Hindi maikakaila na ang aktor na si Marco Gumabao ang isa sa pinaka tinitilian ng mga kababehan at pinakahinahngaan ngayon sa showbiz. Maliban kasi sa magandang katawan ng aktor ay hindi rin maikakaila ang gwapo nitong mukha.
Kaya naman, ang hangaan ng isang Marco Gumabao ay isang nakakakilig na pangyayari. Dahil dito kaya hindi napigilan ni Herlene Budol o kilala bilang ‘Hipon Girl’ ang kiligin nang sabihin ng aktor na crush nito ang Wowowin host.
Ito ay nangyari nang bumisita si Marco sa programang Wowowin kung saan, naging guest ang kanyang kapatid na si Michelle Gumabao. Ito ay pagkatapos na manalo ni Michelle bilang isa sa Top 5 ng Miss Universe Philippines noong nakaraang mga buwan.
Sa programa, nasa audience lamang si Marco nang mapansin ito ni Willie Revillame. Maging si Willie ay hindi rin maitanggi ang kagwapuhan ng aktor at kapatid ng beauty queen. Ani naman ni Michelle nang tawagin ni Willie ang kapatid, nagpunta raw doon si Marco kasi binisita niya si Hipon Girl.
“Nagpaalam po ako sa ate ko kung pwede ba akong pumunta dito kasi… crush ko ‘yung katabi niya,” ang nakangiti pa ngang ani ni Marco.
Halata namang agad kinilig sa pahayag na ito ni Marco si Hipon Girl na hindi agad nakapagsalita matapos ang sinabing ito ng aktor. Samantala, natatawang sinaway naman ni Michelle ang katabing si Hipon Girl at sinabing talo daw ang unang mai-inlove.
“Hoy ang unang maniwala, talo! Bawal ma-inlove, girl,” natatawang saad pa rito ni Michelle.
Samantala, nang magsalita na si Hipon Girl ay sinabi nito na hindi raw siya pinansin ni Marco nang mag-Hi umano siya rito kanina. Depensa naman ni Marco, si Hipon Girl umano ang hindi tumingin sa kanya ng mag-Hi naman umano siya rito.
“Uy nag-Hi nga ako sa’yo, di ka naman tumitingin sa akin,” ani pa ulit dito ni Marco.
“Ganun talaga ‘pag crush mo ang isang tao, di mo papansinin sa una kasi dapat… pa-yummy ka lang,” pagpapayo naman ulit ni Michelle kay Hipon Girl.
Samantala, nakakatawa naman ang sagot ni Hipon Girl sa kapatid na ito ni Marco. Ayon kay Hipon Girl, mukhang botong-boto umano sa kanya si Michelle gayong wala naman daw pangit sa pamilya nila ng aktor.
“Botong-boto ka sakin ano? Walang pangit sa pamilya niyo, no? Gusto mo ng ano, gusto mo ng may panabla, no?” ani pa ulit sa mga ito ni Hipon Girl.
Maliban dito, naikwento naman ni Willie na kanina, bago ang bahaging iyon ng programa ay humingi umano ng kiss si Hipon Girl sa aktor. Ani naman dito ni Marco, wala umano itong problema basta’t sumang-ayon lamang ang ate nitong si Michelle.
Bagama’t ilang ulit nitong itinanggi, patuloy naman na tinukso ni Michelle ang katabing si Hipon Girl na kinikilig umano ito. Panay naman ang tanggi dito ni Hipon Girl kahit halatang hindi umano ito mapakali at kinikilig nga sa aktor.
Samantala, ayon naman kay Willie, sa pagbisitang ito ni Marco sa GMA ay welcome na welcome umano ang aktor sa kanilang istasyon lalo na’t ang dami umanong may crush o paghanga rito.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment