Friday, December 18, 2020

Sheryl Cruz, Nagbubuntis Umano? Ama ng Bata, Isang Binatang Aktor!


Marami ang nagulat sa kumakalat ngayong balita na nagbubuntis umano ang kilalang aktres na si Sheryl Cruz. Bagama’t hindi naman imposible na magbuntis ngayon ang aktres, ang ikinagulat nang marami ay ang usap-usapan tungkol sa ama ng ipinagbubuntis nito.

Ayon sa mga ulat, ang ama ng ipinagbubuntis ni Sheryl ay isang binatang aktor na nakasama nito sa ilang proyekto. Dagdag pa nga ng ilang ulat, laman umano ng ilang mga blind item ang binatang aktor na ito.

Madalas umano na makita ang dalawa na lumabas at ilang beses na rin na-isyu na mayroon silang relasyon nito sa kabila ng malaking agwat sa kanilang edad. 

Hindi man kumpirmado, mayroong iilan nagsasabing malaki na umano ngayon ang tiyan ni Sheryl at napapadalas na ang pagbisita nito sa doktor para sa kanyang ipinagbubuntis. Ang pagbubuntis na ito ng aktres ang dahilan kung bakit nagpapahinga raw muna ito ngayon sa showbiz at tumatanggi muna sa mga nag-iimbita sa kanya na maging guest sa ilang mga palabas.

Sa ngayon, ayaw umano ng aktres na ipaalam sa publiko ang tungkol sa pagbubuntis niyang ito na marahil ay dahil sa maaaring maging reaksyon ng marami sa kanilang dalawa ng ama ng kanyang dinadala.

Samantala, dahil naging magkatrabaho sina Sheryl at ang binatang aktor na ito, minsan nang iniugnay ang dalawa at pinaghinalaan na mayroong relasyon. Gayunpaman, ilang bees na rin nila itong itinanggi at sinabing dala lamang ng katanyagan ng kanilang programa ang mga isyu na mayroon silang relasyon.


Sa kabila nito, marmi pa rin ang nagsasabi na totoo ang relasyon ng dalawa at suportado umano nila sina Sheryl at ang nasabing aktor. Gayunpaman, mayroon pa ring iilan na hindi sang-ayon o sinusportahan ang relasyon ng aktres sa binatang aktor na ito.

Ito ay marahil dahil nga umano sa laki ng agwat sa kanilang edad at hindi sila naniniwala na sumang-ayon o pumayag ang aktres na makipagrelasyon dito. Gayunpaman, ang isyung ito na pagbubuntis umano ni Sheryl ay umani ng iba’t-ibang mga reaksyon sa mga netizen na halos lahat ay nagulat. 

Mayroong ilan na nagsasabing hayaan na lamang ang dalawa kung talagang mahal nila ang isa’t-isa habang ang iba naman ay hindi naniniwala sa isyung ito na nagbubuntis daw ang aktres. Ngunit, ang usap-usapang ito ay hindi kailanman kinumpirma ng aktres o nang sinuman na lumantad na malapit dito.

Heto ang ilan sa ibinahaging komento ng mga netizen tungkol dito:

“If it’s true, leave them alone. That’s their life. If the man is older it seems normal. So, what if the woman is older, what’s the difference?”

“More often than not nade-develop sila, ‘yun nga lang, nagbunga ‘yung May-Dec affair nila. Congrats sa batang ama! Tiyak gwapo o beauty anak nila.”


“Ok lang ‘yan, kahit malaki tanda sayo ng ama ng dinadala mo, at least my anak ka at malay mo, mahal ka talaga ni Jeric… at kayo na talaga habang buhay.”


“I dont think so… On going na taping ng ‘Magkaagaw’. Edi sana, di na nagwowork si She kung talagang buntis at nagpapahinga diba.”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment