Wednesday, February 10, 2021

OFW, Iniwan ng Fiance Nito Matapos Niya Umanong Mawalan ng Trabaho


Hindi na napigilan ng OFW na si Christofer Forteza ang kanyang nag-uumapaw na emosyon habang inirereklamo kay Raffy Tulfo ang tungkol sa pag-iwan sa kanya ng kanyang fiance para sa ibang lalaki matapos niyang mawalan ng pera at trabaho.

Kasado na sana umano ang lahat para sa kanilang kasal ng dati niyang fiance na si Lynie Seradia. Nabayaran at planado na umano ang lahat sa kanilang kasal maging ang reception at damit na susuotin. Ngunit, binalikan umano ni Lynie ang dati nitong nobyo nang pitong taon at doon na umano ito magpapakasal matapos niyang mawalan ng trabaho.

Ayon kay Christofer, sinuportahan niya umano si Lynie maging ang pamilya nito habang ito’y nagtatrabaho sa ibang bansa. Nagpundar din umano ito ng kaunting negosyo para sa bubuuin sana nilang pamilya ni Lynie ngunit, nang mawalan siya ng pera at trabaho ay iniwan umano siya nito at umuwi na sa iba.

“Napaka dami kong ebidensya. Grabe. Grabe ang mga nalaman ko…

“Sir Raffy Tulfo, ako po’y wala na pong pera. Tulongan niyo po akong magsampa ng kaso at makakuha ng abogado para patunayan sa kanila. Halos niya po lahat ng kabuhayan ko. Umuwi ako para bumuo ng maliit na pamilya. Hindi para lokohin. Grabe kayo sa mga OFW! 

“Grabe kayo! Minamahal namin kayo, pinapadalhan namin kayo ng pera para sa ika-aano niyo tapos ganito ipapalit niyo sa amin,” paglalabas pa nga ni Christofer ng kanyang galit sa dating karelasyon.


Pilit na iginiit ni Lynie na walang katotohanan ang sinasabi ni Christofer at kung may naipadala man umano itong pera ay ibinibigay niya umano sa ina ng OFW. Ani pa nito, ang dahilan daw kung bakit niya hiniwalayan si Christofer ay dahil daw sa ugali nito. Sagot naman dito ng OFW,

“Ni pag-aapply po ng trabaho, di ko magawa kasi nasa kanya po lahat ng pera ko. Tapos ganyan-ganyan po gagawin nila sa akin, lalaitin nila akong wala na akong pera dahil hindi natuloy ang kasal. Paano naman po ‘yun?

“Meron po [naitabing pera] eh nagamit na rin po namin sa pagsasama ho namin. Noong nagtayo kami ng negosyo naming baking… Kapag ayaw niya na, tapos na! Hindi man lang ako nakakabawi sa mga puhunan!

“Iyong nakuha ko nga sa OWWA, halos ubusin ko dun sa pamilya mo. Halos hindi daw ako nag-aalok ‘pag ako’y kumakain. Iyon nga ‘yung tulong sa akin ng OWWA para makabangon-bangon naman ako, tapos ganito? Iiwanan mo ako sa ere ‘pag wala na akong pera!”

Nais ni Christofer na sampahan ng kaso si Lynie at ang umano’y nakatakda na nitong pakasalan na lalaki. Nangako naman dito si Raffy Tulfo na tutulungan niya ang OFW lalo na sa pagbawi sa umano’y pera na naibigay nito kay Lynie.




Samantala, binigyan din ng pagkakataon ng programa ang dalawa na pag-usapan ang tungkol sa problemang ito at nagbabakasakali na maaayos pa ito sa pag-uusap. Ngunit, desidido si Christofer na ituloy ang pagsasampa rito ng kaso at hindi rin naman nagpapatinag dito si Lynie.


“Minahal kita, tapos ganyan ka. Tapos malalaman ko isang araw hindi kana uuwi,” dagdag ani pa nga ng OFW sa inirereklamo niyang dating karelasyon.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment