Saturday, February 6, 2021

Mga Fans ni Nadine Lustre, Galit Umano kay Yam Concepcion


Naging malaking balita kamakailan lang ang paglisan ni Nadine Lustre sa Viva Artists Agency dahil sa ilang beses na palitan ng pahayag ng dalawang panig. Matapos kasi na ianunsyo ng aktres ang kanyang paglisan sa agency, iginiit pa rin ng Viva na exclusive artist nila si Nadine hanggang sa taong 2029.

Samantala, kaugnay naman nito ay minsang nakapanayam ng isang kilalang media site ang aktres at Viva artist din na si Yam Concepcion. Sa isang panayam dito mahigit isang taon na ang nakakaraan, nahingan ng opinyon si Yam tungkol sa isyu tungkol kay Nadine at sa Viva.

Dito, ayon kay Yam ay mahalaga rito na sundin kung ano man ang nakalahad sa kanilang kontrata. Iginiit nito na dapat sundin umano kung ano ang nakasaad sa pinirmahang kontrata at kung ano ang napag-usapan sa pagitan nito at ng Viva.

Dagdag ani pa nga rito ni Yam, mahalaga din umano na lumingon ang isang artista sa pinanggalingan nito o ang dahilan kung bakit ito sumikat at nakilala.

Ang mga pahayag na ito ni Yam ay naungkat muli kamakailan lang kaya naman, maraming mga fans ni Nadine ang nagalit kay Yam dahil sa mga sinabi nito.


Ayon sa mga tagasuporta ng aktres, wala raw alam si Yam sa nga pinagdaanan ni Nadine sa Viva kaya wala umano itong karapatan na magsalita ng ganito tungkol kay Nadine. Samantala, bagama’t ganito ang naging pahayag ni Yam tungkol dito, aminado naman ang aktres na wala siyang alam tungkol sa kung ano talaga ang napag-usapan ni Nadine at ng Viva.

Enero nang nakaraang taon nang ianunsyo ni Nadine ang kanyang paglisan sa Viva ngunit, nitong nakaraang Disyembre lamang nang pormal na magsampa ng reklamo ang Viva laban kay Nadine dahil sa paglabag umano nito sa kontrata na dapat ay sa 2029 pa matatapos. Nanindigan dito ang agency na hanggang sa naturang taon ay eksklusibo nilang talent si Nadine.

Ngunit, hindi naman nagpatinag si Nadine at ang panig nito sa inihaing reklamo ng Viva laban sa aktres. Ayon sa kampo nito, hindi umano si Nadine ang lumabag sa kanilang kontrata kundi ang Viva mismo. Dito ay naglabas din ng mabibigat na pahayag ang kampo ni Nadine laban sa Viva. 

Ani pa nito, sila umano ay “confident that the truth will come out about [Viva] being predatory, oppressive, and abusive not only of Nadine but its many other talents.”

Samantala, mula nang lumisan sa Viva ay si Nadine na mismo ang nagmamanage sa kanyang karera at desisyon na nito ang pagtanggap at pagtanggi sa isang proyekto. 

Sa ilalim naman ng Viva, si Yam ay kakatapos lamang gumawa ng isang teleserye, ang ‘Love Thy Woman’, at ngayon ay may bago na namang proyekto o drama series na tinatrabaho. Kasama niya umano dito ang mga aktor na sina Gerald Anderson at JM de Guzman.


Maliban kina Yam at Nadine, ilan pa sa mga kilalang nagsimula sa Viva ay sina Sarah Geronimo, Xian Lim, Bela Padilla, Anne Curtis, Matteo Guidicelli, at Cristine Reyes. Maging ang katambal at real life boyfriend ni Nadine na si James Reid at naging bahagi rin ng Viva bago rin nito nilisan ang agency noong 2019.

Source: INQUIRER

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment