Wednesday, February 10, 2021

JOJOWAIN O TOTROPAHIN: Jessy Mendiola, Pinagselosan ang Artistang Ito na Jojowain Umano ni Luis Manzano


Marami ang natuwa at naaliw sa bagong vlog na ibinahagi ng engaged couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano kung saan, nakisali na rin ang nga ito sa ‘Jojowain o Totropahin’ Challenge.

Ngunit, mayroong twist ang challenge na ito ng dalawa dahil nahahati ito sa dalawang ‘level. Ang una ay ang tipikal na ginagawa sa challenge habang ang Level 2 naman ay ang mas pinatinding ‘Pagseselosan o Dededmahin’.

“Ito, merong level 2. Level 1 yung Jojowain o Totropahin tapos sa Level 2 naman Pagseselosan o Dededmahin. First time namin gagawin ‘to…

“At sana buo pa ‘yung relationship namin pagkatapos nito…” paliwanag pa nga rito Jessy sabay hirit naman sa huli ni Luis.

Sa challenge, isang female celebrity ang animo’y pinagtalohan ng dalawa matapos na sabihin ni Luis na ‘jojowain’ niya raw ito. Muntik na ngang mapa-walk out dito si Jessy dahil ipinipilit ng fiance na jojowain niya ang naturang female celebrity.

Tanong dito ni Jessy, “So ano nga, jojowain o totropahin?”

“Eh, naging jowa nga. Eh ‘di siyempre ‘yun na rin ‘yun. Paano ko totropahin ‘yun kung naging jowa ko nga. Hindi nga maganda ‘yung breakup,” paliwanag naman Luis sa sagot nito. 

Agad naman na umalma rito si Jessy at sinabing, “Eh, akala ko ba ex mo na? Eh, bakit mo pa jojowain ulit?”



Pagbabahagi pa nga ni Jessy tungkol sa tinutukoy nilang umano’y ‘ex’ raw ni Luis, “May nakita akong picture niya sa phone mo dati ‘di ba, nung nagsisimula pa lang ‘yung relationship natin.”

“Hindi ko nabura, nakapatong siya doon sa maraming mga pics. So pagka-scroll scroll ko, nakita ko lang. Eh, ‘di sorry. ‘Di ba ganu’n lang naman ‘yun. Kakasal na tayo, ‘wag na nga ‘yung mga ganyan. Okay? Peace,” paliwanag naman ulit dito ni Luis.

Hanggang sa pawalk-out na sana si Jessy dahil sa nakakatawang pagtatalo nilang ito ng kanyang fiance. Maaaring mayroon nang naiisip ang mga manonood kung sino ang tinutukoy ditong ‘ex’ ni Luis ngunit, tawang-tawa ang marami sa mga ito nang ibunyag nila ang kung sino ang naturang celebrity.

Ito lang naman ay walang iba kundi Hollywood actress na si Jenniffer Lawrence. Kaya naman, ani ni Jessy tungkol dito, 

“Ang kapal ng mukha nito! Jennifer Lawrence. Hindi, pero seryoso, si Jennifer Lawrence, crush talaga niya… 

“May time talaga na pinagselosan ko si Jennifer Lawrence, kasi nu’ng nakita ko sa phone niya puro pictures niya talaga. So every time we watch her movies, or nakikita namin siya sa TV, ginaganu’n ko siya (tinatapik sa balikat), ‘Uy crush mo, oh.’ Pangarap lang niya na naging jowa niya si Jennifer Lawrence, pero asa ka, boy?”

Samantala, ilan pa sa mga pangalan na nagbanggit ng dalawa sa nasabing Challenge ay sina Bea Alonzo, Bela Padilla, Maja Salvador, at Korean actress na si Song Hye Kyo, Alden Richards, Jake Cuenca, ang Hollywood actor at singer na si Zac Efron, Enchong Dee, at Korean actor na si Gong Yoo sa unang round.


Ilan naman sa mga nabanggit sa ikawalang round ay sina Yam Concepcion, Kylie Verzosa, kilalang American actress na si Dakota Johnson, Zanjoe Marudo, Korean actor na si Hyun Bin, at famous American celebrity Jamie Dornan.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment