Saturday, March 20, 2021

Paulo Angeles, Bukas sa Pakikipagrelasyon sa mga Mas Matanda sa Kanya


Para sa ikatlong episode ng original iWant series na ‘Ampalaya Chronicles’, ang ‘Me and Mrs Cruz’,  katambal ni hashtag Paulo Angeles ang aktres na si Ina Raymundo. Ito ang unang beses na makakatambal ni Paulo ang isang aktres na mas matanda sa kanya.

Kaya naman, ayon sa aktor ay aminadong kinabahan umano siya at nahihiya umano siya kay Ina. Mahigit dalawang dekada rin ang tanda ni Ina kayPaulo kaya hindi maiwasan ng huli na manigas noong unang beses na kinailangan niyang lumapit sa aktres.

“First project ko ito na ma-pair sa mas matanda. Nung una nahihiya talaga ako. Nung look test hindi ako makalapit naninigas talaga ako. Every time na pinapag-pose kami, alam mo yung parang sinasabi nilang closer pero yung katawan ko parang hindi na makalapit sa sobrang naninigas na,” natatawang pagbabahagi pa nga ni Paulo.

Gayunpaman, kalaunan umano ay napanatag din ang loob niya sa katambal na aktres at nadiskubre umano niya kung gaano ito kabait. Ani pa nga ulit ni Paulo tungkol dito,

“Wala akong masabi kundi lahat ng maganda nasa kanya. Na-relax ako and naging nag-ease na ako… ‘Yung sa acting nag-ask ako sa kanya ng advice eh.”


Dahil naman sa tema ng kanilang pagtatambalang serye na ikanga ay isang ‘May-December love affair’, hindi naiwasan na matanong si Paulo tungkol sa posibilidad na mangyari rin ito sa kanya sa totoong buhay.

Ayon sa aktor, nirerespeto niya umano ang mga taong nagkakaroon ng ganitong klase ng relasyon. Kaya naman, wala rin umanong kaso sa kanya kung magkaroon man siya ng karelasyon na mas matanda sa kanya. Wala raw itong kaso para kay Paulo lalo na’t nasa tamang edad naman na ito.

“Kung ito yung gusto nilang age or gusto nila mas bata, buhay nila yun eh. Desisyon nila yun. So nirerespeto ko na lang. Pero yung akin, wala akong pake kung mas matanda or mas bata. Hindi naman yung underage, yung nasa tamang edad dapat,” ani pa nga ni Paolo.

Sa series, gagampanan ni Paulo ang karakter ni ‘Caloy’, isang delivery boy na nahulog ang loob sa isa sa kanyang mga kustomer na mas matanda sa kanya. Ito ay si Mrs. Eve Cruz, isang sexy ngunit mas matandang babae kumpara kay Caloy. Nang magkakilala naman ang dalawa ay hindi pa lubusang nakakapagmove-on ang karakter ni Ina sa dati nitong pag-ibig.

Samantala, ito ang unang pagkakataon na sasabak ulit sa aktingan si Ina kaya ani nito, nakaramdam rin daw siya ng hiya. Medyo nag-alala rin umano ang aktres na baka mas magkuha itong nanay kaysa katambal ni Paulo.

Gayunpaman, siniguro ni Ina na maganda ang storya ng kanilang series at pinuri niya pa nga rito ang galing ni Paulo sa pag-arte. Pagbabahagi pa nga ng aktres,

“Siyempre since Paolo is almost half my age I'm always worried na baka mag mas mukha akong nanay niya kaysa as love interest. So that's also a concern for me. But when I saw it naman, okay naman… 


“Since I didn't act for so long, one year, medyo nahihiya ako. But of course it's a good, good story. Maganda 'yung story and si Paulo ay magaling dito.”

Source: KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment