Thursday, March 18, 2021

Relasyon ni Maris Racal at Rico Blanco, Pinag-uusapan Ngayon sa Social Media!


Marami ang nawindang, naosyoso at kinilig nang mag-post sa kanyang instagram account ang 23-year old singer at aktres na si Maris Racal ng black and white na litrato ng kilalang band lead singer songwriter at video nilang dalawa na nag-sweet duet kung saan makikitang komportableng nakaharap ng malapitan si Maris sa singer na tumutugtog ng gitara habang  kanta-kanta nilang dawala ang “Brighter than the Sun” ni Aqualung. Tila ba may kakaibang pagkakaunawaan ang dalawa.

“hi rico. happy birthday”, iyan ang naging caption ng dalaga sa kanyang post bilang pagbati sa kaarawan nito. Ngunit maraming netizens ang naging mausisa kung tanging pagbati lamang ito o isang rebelasyon sa kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa na maaari naman na higit pa sa pagkakaibigan lang.

Ang tinutukoy na band lead singer ay ang 48-year old singer songwriter ng sikat na banda ng Rivermaya na si Rico Blanco. 

Lalong kinilig ang mga netizen nang tinangkang sumandal ni Maris kay Rico ngunit umatras agad ito at sa halip nginitian si Rico. Pagkatapos ay nag-fist bump ang dalawa. Sa video nakikita na iba ang dating ng kanilang pagtitinginan habang kumakanta.


Ilang oras makalipas ang naging post ni Maris, sinagot it ni Rico ng ,“Hahaha, love you!”. Sa naging sagot nito umani ito ng mahigit isang libong likes.  Dito naglabasan ng kilig at suporta ang maraming netizen sa kanila nang mapansin ang kanilang chemistry. Binaha naman ng mga netizen ang comment section kung may pag-iibigan na nga bang namumuo sa kanilang relasyon.  Sa video  inakala  ng iba na mayroong kiss sa dulo. May netizen naman ang nagkomento sa post na nagsabing “para kayong jowa”.

Maraming celebrities naman ang tila ba ay sang-ayon sa pagkakaunawaan ng dalawa.Ilan sa kanila ang nagkomento ng hugis puso na emoji. Kabilang sa mga celebrities na naghayag at hindi naitago ang  kilig ay sina Cathy Gonzaga, Maja Salvador, Miles Ocampo, Awra Briguela at marami pang iba.

Isang namang komento ang umani ng maraming likes nang banggitin nito ang napansin sa naging caption ng post ni Maris kung paano tawagin ng aktres si Rico na noon ay “kuya Rico”. Kakaiba sa caption ng post nito ngayon na “Rico” na lang.

Usap-usapan ng karamihan ngayon ay maaaring dating ang dalawa. Sa tingin ng mga netizens sa ipinakitang kilig ng sinasabing singer at aktres na wala naman daw mali kung totoo nga ang usap-usapan dahil pareho silang single.

Sa post ni Maris, sa naging sagot ni Rico Blanco at sa pagpapakita ng suporta ng mga kapwa artista at ng netizens, sino ba naman ang hindi maosyoso at makapaghintay sagutin ng dalawa ang tanging tanong ng marami?

May relasyon nga ba si Maris Racal at Rico Blanco? Dahil sabi nga mga naging komento, “Parang may something”.


Hindi man maikakaila na medyo may kataasan nga pagdating sa agwat ng kanilang edad ngunit sa mga kinilig at sumuporta sa dalawa, may something man o wala, age doesn’t matter. 

Source: KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment