Wednesday, March 17, 2021

VIRAL STORY: Bagong Kasal, Natumba Matapos na Mag-Kiss sa Labas ng Simbahan


Viral ngayon sa social media ang mga larawang ito ng isang bagong kasal na kuha sa kanilang kasal na ginanap nito lamang ika-18 ng Pebrero sa San Pedro Calunsod Parish Church sa Antipolo.

Hindi kasi kagaya ng ibang mga kasal na perpekto ang lahat ng mga kuhang larawan, nakunan ng photographer na si Ivy Tuason ang isang nakakatawa ngunit magandang ala-ala para sa bagong kasal na sina Jason Santos at Princess Pascual.

Sa labas kasi ng simbahan, hindi inaasahan ng lahat na matutumba ang bagong kasal matapos na mawalan ng balanse ang mga ito habang hinahalikan ang isa’t-isa. Kuha sa mga larawang ito ang mga totoo at nakakatuwang reaksyon ng mga panauhin sa kasal at maging nina Jason at Princess.

“Been covering weddings for almost a decade and some things still get you by surprise. Probably one of the highlights that made this wedding so memorable and the wackiest dip kiss i have ever covered,” ng ani pa nga ni Ivy tungkol sa mga larawang nakunan nito.

Ayon sa photographer, hindi raw nito inaasahan na matutumba ang dalawa kaya nakunan na rin nito ng larawan ang pangyayari. Ayon kay Ivy, alam niyang maappreciate ng bagong kasal ang naturang larawan kung saan, maalala nila ang nakakatuwang sandali na iyon


“It’s part of the shot list kasi eh. Yong moment palabas ng church so we know na no matter what happens there, we have to take the photos. We just didn't expect maahuhulog sila,

“At that moment nung pahulog na sila,  sabi ko bahala na. Kasi for sure, whatever man yong mag-transpire don, the couple would appreciate to have a photo of that moment,” kwento pa nga nito.

Hindi nga ito nagkamali dahil nang makita umano nina Jason at Princess ang mga larawan ay ikinatuwa at napatawa na lamang umano ang mga ito. Ayon naman sa bride, dahil umano sa insidente ay nagkaroon ito ng maliit na bukol na hindi naman nito napansin hanggang sa kanilang honeymoon.

Hindi rin umano inaasahan ng mga ito na magiging viral ang naturang mga larawan nila at aani ito ng positibong komento mula sa mga netizen. Sa katunayan, nasa mahigit 50,000 na ngayon ang naaaning reaksyon ng naturang mga larawan at shares na nasa lagpas 35,000 na rin.

Para naman sa mga netizen, bagama’t natawa ang mga  ito sa naturang mga larawan, hindi umano ito nakakahiya at bagkus ay napakagandang ala-ala umano na pwedeng balikan ng mag-asawa habang inaalala ang kanilang kasal. Ang mga larawang iyon umano sa kanilang kasal ay ang tunay na kahulugan ng ‘candid’ na kuha.

Dagdag ani pa nga ng ilan sa mga netizen tungkol dito,

“Atleast this will make their wedding day more unforgettable and something they will look back to and make laugh about. I don't find this embarassing as it was a candid one. Idk who's with me but I find this funny in a cute way…”

“Good vibes lang. Nothing but a funny memory to make up your day.”


“Funny. But, still its cute and romantic. I'm certain they will never forget their wedding day, a story that, they will tell their children and grandchildren.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment