Tuesday, October 25, 2022

Isang supermarket sa Thailand ang gumagamit na ngayon ng dahon ng saging bilang “packaging” upang makabawas sa dami ng mga gumagamit ng plastik!

Sa paglipas ng panahon, marami na rin tayong nababalitaan at nakikitang pamamaraan mula sa publiko at maging sa mga pribadong organisasyon upang mabawasan ang labis na paggamit ng plastik sa araw-araw. Isa na marahil sa mga magaganda at interesanteng ideya sa ngayon ay ang ginawa na ito ng isang Thai supermarket na gawing “packaging” o pambalot nila ang mga dahon ng saging!

Ang supermarket na ito ay ang Rimping Supermarket sa Chiangmai, Thailand. Sa ilang mga larawan ay makikita ang ilan sa mga sariwang gulay nila na nakabalot sa mga dahon ng saging at saka nila ito itinali.

Hindi katulad ng mga plastic, ang mga dahon na ito ay “organic”. Nabubulok ang mga ito na siya ring nagdaragdag ng sustansiya sa lupa.

Nagsisilbi rin itong pataba para sa mga halaman sa ating hardin. Ito na marahil ang perpektong solusyon sa ating problema sa plastic.

Hindi lahat ng dahon na makikita natin ay maaari nating gawing pambalot o packaging. Ang sukat kasi ng mga dahon na ito ay malaki, makapal, talagang “flexible”, at maaari ding itupi nang hindi tuluyang nasisira.

Dahil sa “waxy surface” nito ay nagiging “water-proof din ito kahit pa mamasa-masa ang mga gulay na ibabalot dito. Kapansin-pansin din na sobrang maganda sa mata o” aesthetic” ang pambalot na ito.


Tila ba biglang sumisigla ang mga produktong binebenta nila. Buong taon maaaring makakuha ng dahon ng saging sa Thailand.

Mabilis ding tumubo at lumago ang mga ito sa mga lugar na may mainit na klima. Wala ring kahit anong toxins, dye, o irritants ang mga ito.

Ilang siglo na ring ginagamit sa maraming mga bansa sa Asya ang dahon ng saging. Sikat na sikat ito sa India dahil gamit nila ito upang pambalot ng kanilang mga “rice dish”.

Maging ang mga Chinese Vietnamese, at Malays ay ginagamit din ang mga ito bilang pambalot.


No comments:

Post a Comment