Sunday, July 19, 2020

Catriona Gray, May Sagot na raw sa Cryptic IG Posts ng Ex Nitong si Clint Bondad


Ilang araw naging laman ng balita ang ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Clint Bondad dahil sa mga misteryoso at ‘cryptic’ umano nitong mga Instagram Stories.

Sa naturang IG Stories, kapansin-panisin umano na ang pinatatamaan o ang tinutukoy dito ni Clint ay ang ex nitong si Catriona at ang kasalukuyang karelasyon ng beauty queen na si Sam Milby.

Nagulo ang utak ng maraming mga tao na ilang beses sinubukang intindihin ang mga nais ipahiwatig ni Clint. Maraming beses sa kanyang mga IG stories ay malinaw umano na si Catriona ang kanyang tinutukay. Kaya naman, nag-aalala ngayon ang marami sa kung ano nga ba talga ang tunay na ipinahihiwatig na Clint at ano ang dahilan ng lahat ng ito.

Ilan sa pagkakaintindi na mga netizen sa mga IG stories ni Clint ay patungkol umano sa isang pasabog na mayroon ito tungkol kay Catriona. Ayon sa ilan, isa umanong ‘hacker’ si Clint at minsan na nitong na-hack ang personal social media accounts nina Catriona at Sam.


Dito umano natuklasan ni Clint ang kanyang nalalaman sa dalawa na umano’y balak nitong ilabas sa publiko. Kaya naman, marami ang nag-aalala sa kung ano umano ang pwedeng gawin ni Clint.

Samantala, inaantay rin ng karamihan kung ano nga ba ang magiging reaksyon ni Sam o ni Catriona sa mga ginagawang ito ni Clint. Gaya ng pag-aabang ng mga ito sa IG stories ni Clint, abang na abang din ang mga ito sa maaaring ilabas na pahayag ni Catriona at Sam.

Kaugnay nito, mayroong inilabas na IG story si Catriona na ayon sa ilan ay kanya umanong sagot sa mga maaaring patutsada sa kanya ni Clint. Gaya ni Clint, hindi rin diretsahan ang inilabas na pahayg ni Catriona kaya hindi rin sigurado ang publiko kung ano ang nais nitong sabihin. Heto ang kanyang naging pahayag sa naturang IG story,

“The wapon may be formed but it won’t prosper. When the darkness falls, it won’t prevail…

“Cause the God I serve knows only how to triumph. My God will never fail.”


Maliban kay Catriona, mayroon ding inilabas na pahayag ang isa sa mga kaibigan nito kaugnay ng naturang isyu na kinasasangkutan ni Catriona, Clint, at Sam. Ayon sa beauty queen at ka-batch din ni Catriona sa Binibining Pilipinas na si Sandra Lemonon, alam niya umano na sa kabila ng pinagdadaanan ni Catriona ay magsasalita ito sang araw upang ilahad ang katotohanan.

“The most alarming thing here is that some people actually decide to support toxic behaviour… and believe it’s okay. It is not. ‘Chismis’ culture should be cancelled forever, it doesn’t benefit anyone in the long run.

“Whatever is happening to him, it is clear to see that he is not in a healthy state of mind and it’s sad to see a lot of people treating this as a show…


“One day, Cat will open up her side of the story and come out stronger than ever before. To every person that ever doubted her good intentions, accused her of things she didn’t do, I hope that you will learn how to not judge anyone or quick to React especially when you don’t know the full story,” saad pa ni Sandra.

Source: mostrendingph

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment