Kamakailan lang, sinentensiyahan ng CTA (Court of Tax Appeals) ang sikat na singer at kilala bilang Jukebox Queen na si Claire dela Fuente ng pitong taong pagkakakulong matapos ang hindi umano nito pagbabayad ng income tax return ng kanyang kompanya.
Sa loob ng pitong taon, umaabot umano sa halagang Php 166 million ang income tax return na hindi finile ni dela Fuente.
Si dela Fuente, o Clarita de Guzman sa totoong pangalan, ay ang may-ari at operator umano ng Philippine Corinthian Liner Corporation o PCLC. Ang PCLC ay isang bus firm na mayroon ding negosyo sa hauling, vulcanizing, shuttle services, auto repair, at auto parts manufacturing.
Hinatulang guilty ang singer sa kasong Tax Evasion matapos umanong hindi ito mag-file ng income tax return ng PCLC sa loob ng pitong taon, mula 1998 hanggang 2004. Maliban dito, nilabag din umano ng PCLC ang National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997.
Inaatasan ngayon ng CTA ang kompanya ni dela Fuente na magbayad ng multang Php 100 000 sa bawat paglabag nito. Sa pitong taon na paglabag ng kompanya, aabot sa Php 700 000 ang multa na kailangan nitong bayaran. Si dela Fuente naman ay pinagbabayad din ng multang Php 50 000 sa bawat paglabag nito.
“For each consolidated criminal case, she is sentenced to suffer the straight penalty of imprisonment of one year and ordered to pay a fine of PHP50,000 with subsidiary imprisonment, in case (the) accused has no property with which to meet such fine," saad pa ng korte.
Taong 2009 umano nang isampa ng BIR ang naturang kaso kay dela Fuente. Ang naging depensa umano nito sa kaso ay taong 2005 pa lamang umano nang magsimulang tumakbo ang naturang kompanya kaya itinatanggi niya ang mga paratang.
Dagdag pa umano ni dela Fuente sa kanyang depensa, wala rin umano siyang partisipasyon sa pagpapatakbo ng kompanya at pagiging ‘treasurer’ lamang umano nito ang kanyang ginampanan.
Ngunit, ayon sa mga dokumentong hawak ng BIR galing sa Land Transportation Office, Franchising Regulatory Board, at Securities and Exchange Commission na kanilang ipinresenta sa korte, isinasaad umano na si dela Fuente ang presidente at general manager ng kompanya.
Dahilan ito upang mahatulang guilty sa isinampang kaso ng BIR si dela Fuente at tuluyang maharap ang sikat na singer sa pitong taong pagkakakulong.
“Without a doubt, dela Fuente was well aware that operations were conducted by the PCLC through smaller bus operators who used the franchises granted exclusively to the PCLC…
“Considering that she herself admitted that she was given the authority to settle any claims by the government against the PCLC, including unpaid taxes, dela Fuente cannot escape the consequences of being an officer, agent or employee of the company and must be held liable for its crimes,” saad pa ng TCA.
Bago pumasok sa pagnenegosyo ay nakilala umano si dela Fuente bilang isang sikat na singer. Unang sumikat si dela Fuente noong 1970’s dahil sa hit song nito na ‘Sayang’. Ito rin ang dahilan kung bakit ito tinawag na Asia’s Sweetest Voice.
Source: KAMI
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment