Saturday, July 18, 2020

Toni Fowler, Pinatotohanan ang mga Rebelasyon ni Aika Flores Tungkol kay DJ Loonyo: “Hindi sinungaling si Aika”

Matapos ang mga inilabas na rebelasyon ng isang Aika Flores sa Facebook kaugnay ng katotohanan umano sa likod ng pagmamalinis ni DJ Loonyo, isang Toni Fowler naman ang lumabas upang suportahan ang mga rebelasyon na ito ni Aika.

Sa isa ring Facebook post, inilabas ni Toni ang lahat din umano ng kanyang nalalaman mula nang ipagbuntis ni Aika ang anak ni DJ Loonyo nang wala man lang anumang sustento o tulong na natanggap mula kay Loonyo, o Rhemuel Lunio sa totoong pangalan.

Ayon kay Toni, magkaibigan umano sila ni Aika dahil dating magkagrupo ang mga ito. Saksi umano siya sa naging paghihirap ni Aika tulad nang parating pag-iyak nito dahil sa pagiging ‘kupal’ umano ni Loonyo.

“SAKSI AKO NA YUNG BABAENG BINUNTIS MO SUMASAYAW AT NAGIIPIT NG TYAN PARA LANG KUMITA NG PERA. 500 PESOS LANG TF NAMIN NON PER DAY! Ganon ka kritikal yun brad with rehearsal pa bago mag show! Wag mong baliktarin ang storya! Makikiepal ako kasi nanay din ako. At tulad nga ng sabi ko SAKSI ako sa stress nya sayo,” ani pa ni Toni.



Kabaliktaran umano ng lahat ang mga nangyari mula sa storyang inilahad ni Loonyo sa publiko. Saksi umano ito sa hindi pagsuporta ni Loonyo kay Aika at sa anak nito na kanyang pinabayaan. Kaya naman, ipinagdiinan ni Toni na hindi nagsisinungling si Aika sa mga inilabas nitong rebelasyon. Saad pa nito,

“HINDI SINUNGALING SI AIKA…

“KUNG TOTOONG MINAHAL MO ANAK MO AT NAGSUSTENTO KA IPAKITA MO MGA RESIBO NA PINADALA MO PATUNAYAN MO BRAD. Kaso wala ka non diba?”
Sa inilabas na pahayag ni Aika, idiniin nito na hindi naging maayos ang pakikitungo ni Loonyo sa kanya at sa kanilang anak. Bukod dito, ibinunyag din ni Aika na noong una ay gusto pa nga raw ipalaglag ni Loonyo ang bata.




Nagbuhay binata umano si Loonyo habang si Aika ang mag-isang bumbuhay sa anak. Wala umanong anumang sustento o tulong na naibigay si Loonyo sa pagpapalaki sa bata dahil kahit sa panganganak ni Aika ay wala umano ito.

Ang tanging pagkakataon lamang umano na mayroong naiambag si Loonyo ay noong biglaang pumanaw ang kanilang anak. Iyon umano ang una at huling beses na nakita ni Loonyo ang anak ngunit, sa kabila nito ay hindi umano maramdaman ni Aika ang sinseridad ng damdamin ni Loonyo sa nangyayari.

“Kung may awa ka pa kay aika at sa anak nyong nananamihimik na sa langit wag ka ng mambaliktad brad! Maawa ka naman t@ngyna sobra sobra na ginawa mo sakanya. Ang tagal nyang nadepress sa nangyari sakanya. Tapos ikaw papeymous peymous lang? Urur,” dagdag pahayag pa ni Toni kay Loonyo.



Ayon kay Toni, sumikat man umano ngayon si Loonyo, alam umano ng lahat ng dancer na nakakakilala rito kung ano ang tunay na siya at ang mga pinaggagagawa nito. Natatawa na lamang umano ang mga ito sa kasikatan na mayroon si Loonyo dahil isa raw itong sinungaling.
Pahayag naman ni Toni tungkol kay Aika,

“Nawalan sya ng anak pero kahit san sya mag punta lagi nya dala picture ng baby nya ang sakit at ang lungkot para sa isang babae. Sobrang bait ni Aika sa totoong buhay talagang may mga koopal na lalaki talaga na sobrang kapal ng muka. YUNG NILOKO GINAGO GINAMIT KA NA NGA, SISIRAAN KA PA. URUR!”


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment