Saturday, July 11, 2020

Coco Martin, Di Napigilang Ilabas Ang Galit Sa Mga Taong Kumukutya Sa ABS-CBN


“NGAYON WALA NA TAYONG TRABAHO PANTAY PANTAY NA TAYO… PWEDE NA TAYO LUMABAN. WALA NA TAYO DAPAT KATAKUTAN!!!”

Ito ang naging matapang na pahayag ng aktor na si Coco Martin patungkol umano sa mga trolls at bashers ng ABS-CBN na walang-tigil ang pambabato sa kanila ng mga pambabatikos at pangungutya.

Hindi na napigilan pa ni Coco ang kanyang sarili na maglabas ng sama ng loob at galit sa mga tao umano na panay ang pamba-bash sa kanilang mga artista dahil sa kanilang ipinaglalaban.

Si Coco ang isa sa mga artista ng Kapamilya network na hindi natatakot maghayag ng kanyang panig at idepensa ang kanilang mga sarili mula sa mga pambabatikos na kanilang natatanggap online.

Dahil sa patuloy nilang pakikipaglaban para sa prangkisa ng kanilang home TV Network na ABS-CBN, naging target ng pambabatikos ang maraming Kapamilya stars lalo na si Coco.


Ngunit, nang tuluyan ng napahinto ng NTC (National Telecommunications Commission) ang pag-ere ng network, hindi na nagpapigil pa ang aktor na ilabas ang tinitimpi nitong galit.

Saad pa ng aktor, gayong napatigil na ang operasyon ng kanilang network at pare-pareho na silang walang trabaho, wala na umanong rason upang hindi sila lumaban sa mga pambabatikos na natatanggap.

Sa isa sa mga ibinahagi nitong Instagram Post, malaman ang mga pahayag na iniwan ng aktor sa publiko. Saad nito,

“NGAYON WALA NA TAYONG TRABAHO PANTAY PANTAY NA TAYO… PWEDE NA TAYO LUMABAN.

“WALA NA TAYO DAPAT KATAKUTAN!!”


Kung dati umano ay hindi sila makapalag sa kaliwa’t-kanang pambabatikos na ibinabato sa kanila, ngayon umano ay malaya na silang idepensa ang kanilang mga sarili.

Dagdag pa ni Coco, ang sarap pala umano sa pakiramdam na makapaglabas ng saloobin. Ngayon umano ang panahon na makakaganti sila sa mga ibinabato sa kanila ng mga bashers at trolls.

“SILA GUSTONG GUSTO NILA BASAHIN KUNG ANO ANG MGA POST NATIN… NGAYON ANG PAGKAKATAON PARA MAKAGANTI TAYO.

“AWAYIN NATIN SILA AT WAG BASAHIN ANG MGA COMMENTS NILA… HAYAAN NATIN SILA MAG COMMENTS PARA MAG MUKA SILANG TANGA!!!”

Sa mga sumunod pang mga pahayag ni Coco, ipinagdiinan din nito na hindi umano nila kailangan ang mga taong panay ang batikos sa kanilang mga artista at sa ABS-CBN.

Hiniling nito sa mga bashers na huwag na silang i-follow sa social media at maging sa kanilang personal na buhay kung pagtatawanan at lalaitin lamang pala ng mga ito ang pagpapasara sa kanilang home network. Saad pa nito,


“GANITO KASIMPLE YAN MGA KAIBIGAN…

“LAHAT NG MGA AYAW SAMIN AT GALIT SA ABS CBN AT NAG DIDIWANG NGAYON WAG NYO KAMI IFOLLOW. HINDI NAMIN KAYO KAILANGAN SA BUHAY NAMIN PARA LAITIN KAMI AT PAGTAWANAN SA PINAG DADAANAN NAMING LAHAT!

“YUNG MGA BASHERS AT TROLLS NA NAKIKISILIP LANG AT MAY OPINION PA, SA BUHAY NAMIN MALAYA PO KAYO MAKAKAALIS. HINDI PO NAMIN KAYO KAILANGAN SA BUHAY NAMIN!

“HINDI KAMI MAMAMATAY PAG UMALIS KAYO. IKATUTUWA PA PO NAMIN. MARAMING SALAMAT PO!

“IFOLLOW NYO MGA IDOL NYO.HINDI PO NAMIN KAYO KAILANGAN!!!”

Source: PEP

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment