Saturday, July 11, 2020

Pagtrato Sa Kasambahay Ng Mag Asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina, Pinuna Ng Mga Netizens!


Ang pagiging isang kasambahay ay hindi lamang isang ordinaryong trabaho. Maliban sa pagiging isang marangal na trabaho, ang pagiging isang kasamabahay ay nangangailangan ng dedikasyon at pagmamahal hindi lamang para sa kanilang trabaho kundi para na rin sa mga taong pagsisilbihan nito.

Iniiwan nila ang kanilang sariling pamilya upang maalagaan lamang ang ibang pamilya kaya naman, nararapat lamang na bigyan din sila ng respeto.

Ang importansyang ito na nararapat na matanggap ng isang kasambahay ay magiliw na ipinapakita ng mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina.

Para sa dalawa, hindi na iba sa kanila ang kanilang mga kasama sa tahanan kundi itinuturing na rin nilang pamilya.

Kamakailan lamang, naghanda sina Rodjun at Dianne ng isang surpresa para sa kaarawan ng isa sa kanilang mga kasambahay.


Sa kaarawan ng kanilang Manang Nitz, isang magandang surpresa ang inihanda ng dalawa na nagpaiyak pa sa kanilang mahal na kasambahay.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Rodjun ang pangyayaring ito kung saan, walang kaalam-alam ang kanilang Manang Nitz na naghanda sina Dianne para sa kanyang kaarawan.

Kasama ang iba pa nilang mga kasambahay, dala ang isang cake ay nag-antay ang mga ito sa labas ng kwarto ng kanilang Manang Nitz.

Hawak ang cake ay biglang binuksan ni Rodjun ang pintuan ng naturang kwarto sabay kanta ng ‘Happy Birthday’ sa kanilang mahal na kasambahay.

Kita naman ang gulat ni Manang Nitz sa naturang surpresa nina Rodjun at napaiyak pa habang kinakantahan ito ng ‘Happy Birthday’. Kitang hindi nito inaasahan ang naturang surpresa kaya hindi nito napigilan ang maiyak sa sobrang tuwa.


“Ayos ba ‘yung diskarte namin? Akala mo hindi namin alam no? Magakakasabwat kami. Lahat kami nag-usap na…,” masaya pang saad ni Rodjun para sa kanyang Manang Nitz.

Kasabay ng kanyang pagbati, ipinahayag din ni Dianne ang kanyang pasasalamat sa kanilang kasambahay sa pagluluto umano nito sa kanila ng masarap na pagkain.

“Happy birthday, ate Nitz. Thank you for cooking so much food for everybody. Thank you,” ani pa ni Dianne.

Ang pagmamahal na ito ng asawang Rodjun at Dianne sa kanilang mga kasambahay ay lubos na hinangaan naman ng maraming mga netizen. Natuwa ang mga ito sa ipinakitang pagmamahal at pagpapahalaga ng dalawa sa kanilang mga kasama sa bahay.

Ang makikitang tuwa sa mga mukha ng kanilang mga kasambahay ay nagpapkita lamang ng maayos na relasyon nina Rodjun at Dianne sa mga ito. Kita rin ito sa kung paano nila niyakap ang kanilang Manang Nitz at pagpahayag ng pagmamahal dito.


Ang pagmamahal na ibinigay sa kanila ng kanilang mga kasambahay ay magiliw rin na ibinalik ng mag-asawa sa pagtuturing sa mga ito bilang kanila na ring pamilya.

Isa lamang sina Rodjun at Dianne sa iba pang mga artista na itinuturing ding pamilya ang kanilang mga kasambahay. Dahil dito, bukod sa mga papuri ay nadagdagan pa ang mga masugid na tagahanga ng mag-asawa.

Ang ginawang ito nina Rodjun at Dianne ay nararapat lamang na hangaan at kapulutan din ng aral ng maraming tao lalong lalo na ang mayroong mga kasamabahay.

Kapalit ng araw-araw na pag-alalaga ng mga ito, nararapat lamang din na bigyang halaga ang mga katulong o kasambahay at ituring na bahagi ng pamilya.

Source: instagram

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment