Saturday, July 18, 2020

DJ Loonyo, Sinungaling daw at Nagmamalinis; Anak Nito, Pinabayaan at Hindi Sinuportahan!


Matapos ang umano’y paglalahad ni Rhemuel Lunio, o mas kilala sa tawag na DJ Loonyo, ng kanyang buhay sa ‘Magpakailanman’, isang babae ang lumitaw upang ilahad umano ang totoong kwento taliwas sa mga ibinahagi ni Loonyo.

Ang babaeng ito ay si ‘Aika Flores’ na siya umanong nanay ng anak ni Loonyo. Ayon kay Aika, hindi niya na umano kaya ang mga inilahad na kasinungalingan ng dancer at ang pagmamalinis nito sa publiko.

Kabaliktaran ng ikinwento ni Loonyo sa naturang programa ng GMA, hindi umano isang mabuting ama si Loonyo dahil hindi naman umano ito naging tatay sa kanilang anak. Kung tutuusin, gusto pa nga raw umanong ipalaglag ni Loonyo ang batang ipinagbubutis dati ni Aika.

Noong nanliligaw pa lamang umano sa kanya ang dancer ay mayroon na umanong ibang babae sa kanilang relasyon. Kahit noong nagsinungaling pa umano siya sa kanyang mga magulang upang pumunta sa CDO ay nahuhuli niya na umano ang dancer na mayroong ibang mga babae.




Hanggang sa nabuntis na nga si Aika at mag-isang bumalik nang Maynila ay tuluyan na umanong nanlamig sa kanya si Loonyo. Naayos pa naman umano nila ito alang-alang sa kanilang anak, ngunit kahit puro pagsasayaw umano ang ginawa ni Loonyo ay sinuportahan niya pa rin ito.

Gayunpaman, dahil lamang umano sa isang mababaw na bagay na kanilang pinag-awayan ay umalis si Loonyo sa kanilang bahay ni Aika. Kahit buntis, si Aika pa umano ang humingi ng tawad at nagmakaawa sa dancer na bumalik ngunit, hindi siya nito pinakinggan. Malaking kabaliktaran umano ito sa kwentong inilahad ni Loonyo.

Nagbuhay binata umano ang dancer nang hindi man lang inaalala si Aika at ang kanilang anak. Ayon kay Aika, unang beses umano na muling nagparamdam sa kanya si Loonyo ay noong 2014 kung kailan isang taong gulang na ang kanilang anak.

Gusto umano ni Loonyo na pumunta ang anak ni Aika sa isa nitong mall show upang makita siya. Ngunit, tinanggihan ito ni Aika dahil ayaw niya umano na ang anak pa ang pupunta kay Loonyo. Kung gusto nitong puntahan ang anak ay ito sana umano ang pumunta dito. Sa isang beses umano na pagtanggi rito ni Aika ay agad na lamang umanong tumigil si Loonyo.


“TALIWAS NA NAMAN SA KWENTO MO DIBA?? SA KWENTO MO MAY PATABOY TABOY PA KONG GINAWA DAHIL PINUNTAHAN MO ANAK MO? KELAN NANGYARE YON,” ani pa ni Aika.

Ang una at huling beses umano na nakita ni Loonyo ang anak ay noong pumanaw na umano ito. Sana nga raw ay totoo talagang nasaktan ang dancer sa nangyari dahil hindi niya umano ito masyadong naramdaman.

Pinagbigyan niya umano ang dancer na mag-asikaso sa ilang mga bagay ‘nung burol ng kanilang anak ngunit, ang lumalabas umano ay ipinagmayabang pa ni Loonyo na ito ang gumastos sa lahat-lahat. Kwento pa nito,

“LAKAS MO PO! pinagmamalaki mo sa CDO na ikaw nga gumastos lahat! hanggang huli HAMBOG ka! at kung ikaw nga lahat? ano naman?? utang na loob parin ba ng anak ko sayo yun???

“libing ng anak mo, ano sinasabe mo sa speech mo? pogi ka, nirerepresent mo bansa natin sa ibang bansa etc. DIBA MAHAL MO NGA ANAK MO! nakakatouch yung sinabe mo e! sensya ah ayan kasi tumatak sa isip ko sa mga nonsense mong pinagsasabe na puro kayabangan!”


Matapos umano ng libing ng kanilang anak noong 2017, hanggang ngayon ay hindi na umano muling dumalaw ang dancer sa libingan ng anak. Nanahimik umano si Aika ngunit, hindi na nito kaya pa ang mga pagpapasikat ni Loonyo kung saan idinadamay pa ang kanyang anak. Mensahe niya pa rito,

“BIGYAN MO NAMAN NG KATAHIMIKAN ANAK KO DAHIL DI MO NA NGA SIYA BINIGYAN NG TATAY! TIGIL NA RHEMS! KUNG GUSTO MO MAGPASIKAT WAG KANA GUMAWA NG PANSARILING STORYA O KWENTO MO PARA BUMANGO KA! MABAIT KANG KAIBIGAN AT ANAK PERO SANA NAGING MABAIT KARING TATAY KAHIT DI NA AS PARTNER…

“WAG MO NA ICLAIM NA MINAHAL MO SIYA DAHIL AKO NASASAKTAN PARA SA ANAK KO.”

Para sa kompletong detalye at kabuuan nito, basahin ang buong Facebook post ni Aika dito:




Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment