Saturday, July 18, 2020

Sarah Geronimo,Nakisali sa Gender Reveal Party sa Vlog ni Matteo Guidicelli


Spotted ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa gender reveal party ng kapatid ni Matteo nito lamang July 2, Huwebes.

Sa isang vlog na ibinahagi ni Matteo, makikita ito at si Sarah sa gender reveal party ng kanyang kapatid na si Giorgia. Simple lamang ang naturang pagiriwang na dinaluhan lamang nina Sarah at ng pinakamalapit na pamilya ni Matteo.

Si Matteo ang nanguna sa pagluluto sa naturang party habang kinukunan ito ng video ni Sarah. Hindi naman maiwasang kiligin ng mga manonood sa ginawang ito ni Sarah kung saan, paminsan-minsan ay maririnig itong nagsasalita at tumatawa.

Espesyal para sa pamilya nina Matteo ang naturang padiriwang kaya naman, para sa kanyang sister-in-law ay si Sarah pa umano ang nagbake ng inihandang cupcake dito. Hands-on umano ang mag-asawang Sarah at Matteo sa naturang party dahil ito ang mga nanguna sa pagluluto ng mga handa. Naging masaya naman ang naturang party at makikita ito sa mga larawang ibinahagi mismo ni Giorgia sa Instagram.


Isang ‘baby girl’ ang ipinagbubuntis ni Giorgia na ikinatuwa naman nilang mag-anak. Nito lamang Easter nang ibahagi nina Giorgia at ng asawa nitong si Ian Dato ang pagkakaroon nila ng anak.

Bago paman maikasal kay Matteo, makikita na ang magandang relasyon na meron si Sarah sa pamilya ni Matteo. Sa katunayan, si Sarah pa nga ang isa sa mga maid of honor ni Giorgia nang ikasal ito noong Disyembre ng nakaraang taon.

Sa bagong pangyayaring ito sa buhay nina Sarah at Matteo na kanilang ibinahagi, marami ang natuwa sapagkat nakikita umano nila kung gaano kasaya ngayon si Sarah sa kanyang bagong buhay. Maliban dito, masaya rin ang mga ito dahil sa napakagandang relasyon na mayroon si Sarah sa pamilya ni Matteo.

Bagama’t mayroong naging kontrobersiya sa sekretong pagpapakasal nila ni Matteo ilang buwan lamang ang nakalilipas, mukhang masaya naman ito sa kanyang buhay mag-asawa na ikinatuwa ng marami.


Kung matatandaan, lumabas ang mga balita na gumawa umano ng eksena ang ina ni Sarah na si Mommy Divine sa pribadong kasal nina Matteo at Sarah noong nakaraang ika-20 ng Pebrero. Sumugod umano ito sa venue at mayroong naganap na komprontasyon. Dinaluhan lamang ang naturang seremonya ng iilang bisita at hindi inilabas sa publiko.

Ayon sa mga ulat, hindi umano alam ni Mommy Divine ang tungkol sa magaganap na kasalan kaya hindi ito imbitado. Ito ay matapos ang ilang beses umanong pagpigil o pagkontra nito sa pagpapakasal ng kanyang anak kay Matteo.

Gayunpaman, minsan nang inihayag nina Sarah at Matteo na masaya ang mga ito sa ginawang pagpapakasal at masaya rin ang mga ito sa kanilang bagong buhay bilang mag-asawa. Sa ilang beses na pagharap nila sa publiko mula nang maikasal, makikita naman ang hindi maitangging kasiyahan na mayroon sila.


Maging ang mga tagahanga nina Sarah ay masaya rin para sa dalawa dahil sa wakas umano ay nagkaroon na ng tunay na kaligayahan ang aktres at singer. Humahanga ang mga ito sa tibay ng relasyon nina Matteo at Sarah na nanatiling matatag sa kabila ng iba’t-ibang isyu na pilit ibinabato sa kanila dati.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment