“Walang kaarte-arte sa katawan.”
Ganito inilarawan ng piloto at doktor na si Erwin Conrad Abueva ang kanyang flight attendant na misis habang ito’y nagtatrabaho muna bilang construction worker sa kanilang ipinapatayong building.
Habang limitado pa ang operasyon ng mga paliparan ngayong umiiral ang lockdown, mas pinili ng Senior International flight attendant na si Meriam na igugol muna ang kanyang oras sa pagtulong na matapos ang kanilang ipinapagawang building.
Sa paglalarawan na ibinahagi ng asawa nito, walang pag-aalinlangan na naging construction worker muna si Meriam upang tumulong sa ipinapagawa nilang apartment building.
“Respect to the Queen of our home, my lovely wife, and wonderful mother of our children! She is a senior International Flight Attendant for Philippine Airlines and is doing masonry works! Yes, she is,” ani pa ni Erwin.
Photo: Erwin Conrad Abueva
Kung matatandaan ,si Erwin ay ang doktor at piloto na naging viral din kamakailan lang matapos nitong maging frontliner sa dalawang magkaibang propesyon sa loob ng isang araw.
Noong ika-25 ng Mayo, si Erwin ang naging piloto ng repatriation flight ng mga OFW sa East Timor. Si Erwin ang naghatid sa mga ito sa Pilipinas. Sa parehong araw, matapos maging piloto ay dumiretso agad si Erwin sa isang ospital sa Cavite upang maging frontliner na doktor.
Sa ibinahaging Facebook post ni Erwin, inilarawan nito kung paanong naging madiskarte ang kanyang misis sa panahong ito na apektado ang pareho nilang trabaho.
Bago paman ang lockdown, sinimulan ng mag-asawa ang pagpapagawa ng kanilang tatlong palapag na apartment building. Ngunit, nang magka-lockdown ay labis na naapektuhan ang construction ng kanilang ipinapagawa.
Dahil sa limitadong bilang ng mga construction worker sa kanilang apartment building, si Meriam mismo ay tumulong na sa mga gawain sa paggawa nito tulad ng pagmamasa ng semento, pagpukpok ng martilyo sa kahoy, at maging paggamit ng jackhammer ay ginawa na rin ni Meriam.
Photo: Erwin Conrad Abueva
Kaya naman, lubos itong ipinagmamalaki ng asawa niyang si Erwin. Pagkukuwento pa nito tungkol kay Meriam,
“The past 4 months have been difficult to many and the cabin crew are not exempted from the crisis brought upon by the CoViD19 pandemic. The airline industry is hardly hit and many flight attendants are not earning for many months now!
“To make herself more productive, she does some masonry and carpentry works along with the workers at the construction site. She does not mind the dirt and the physical stress from the chores she's doing. She amazes me everyday!
Ipinakita lamang dito ni Meriam na isa itong inspirasyon para sa marami na magsikap at maging madiskarte rin sa buhay. Hindi porket nawalan pansamantala ng trabaho ay wala nang ibang mga bagay na pwedeng gawin. Mas pinili nitong huwag sayangin ang kanyang oras at kakayanan.
Photo: Erwin Conrad Abueva
Hindi alintana ni Meriam ang hirap sa pagiging construction worker at ang pagiging malayo nito sa tunay niyang trabaho. Talagang kahanga-hanga ang naturang flight attendant kaya naman, saad pa ulit sa kanya ng kanyang asawa,
“Walang kaarte-arte sa katawan pagdating sa construction works! My wife, Meriam Santiago Abueva, is truly one of a kind!”
Panoorin ang buong video dito!
Source: kickerdaily
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment