Sunday, July 19, 2020

High Profile Inmate Jaybee Sebastian, Pumanaw na!


Sa isang ulat na ibinahagi ng GMA News TV, isa umanong preso sa Bilibid na nagngangalang Jaybee Nino Sebastian ang kamakailan lang ay pumanaw dahil sa COVID-19.

Ayon sa naging ulat ni GMA News stringer Rossel Calderon sa Dobol B sa News TV, isa umanong death certificate ang nagpapatunay na si Jaybee Nino Sebastian ay pumanaw nito lamang Sabado.

Binawian umano ito ng buhay sa New Bilibid Prison Hospital sa Muntinlupa City dahil sa acute myocardial infarction na isa umanong komplikasyong dulot ng COVID-19.

Hindi lamang isang ordinaryong bilanggo si Jaybee dahil ito ay itinuturing na isang high-profile inmate matapos maging pangunahing witness sa transaksyon umano ng ilegal na droga sa loob ng Bilibid.


Minsan nitong isiniwalat sa mga awtoridad na si Senator Lila de Lima umano ang nasa likod ng naturang drug trade. Sa isa sa mga pagdinig noon sa mga alegasyon na ibinabato sa senador, tumestigo laban dito si Jaybee at sinabing minsan itong nagbigay kay de Lima ng halagang Php 14 milyon na kita umano mula sa mga transakyon ng druga ng sendaor sa loob ng Bilibid.

Ang naturang pera umano ang ginamit ni de Lima sa kanyang kampanya sa pagka-senador noong 2016. Isa si Sebastian sa mga umano’y naging kasabwat ni de Lima sa mga naging transaksyon nito sa loob ng Bilibid kaya naman, malaking bagay ang pagiging testigo umano ni Jaybee sa mga kinakaharap na kaso ng senador.

Itinanggi naman ni de Lima ang mga alegasong ito at sinabing pinilit lamang umano ng mga awtoridad si Jaybee na tumestigo at gumawa ng mga storya laban sa kanya.

Samantala, ilang ligo umano bago ito pumanaw, nagpakita na ng mga sintomas ng COVID-19 si Jaybee at dinala sa tinatawag na Site Harry sa loob ng Bilibid.


Walang ‘autopsy’ na naganap sa katawan ni Jaybee at agad din itong nai-crimate sa parehong araw ng pagpanaw nito. Dinala umano ang mga labi nito sa Panteon de Dasmarinas sa Cavite kung saan ito nai-crimate. Nakumpirma umano ang balita na katawan ni Jaybee ang pumanaw dahil sa isa sa mga opisyal ng naturang crematorium.

Ang pagpanaw na ito ni Jaybee ay wala umanong kompirmasyon mula sa Bilibid, Department of Justice, o maging sa Bureau of Corrections (BuCor). Ayon sa BuCor, dahil umano sa data privacy act kaya hindi sila basta-basta nakakapaglabas ng impormasyon o kompirmasyon tungkol sa mga preso na umano’y pumanaw dahil sa COVID-19.

Gayunpaman, sinisiguro naman umano ng BuCor na maayos nilang natutugunan ang pangangailangan ng mga presong nahawa o nagkaroon ng COVID-19.

“As much as we want to inform the public with respect to the names of PDL who died due to COVID-19, the data privacy act prohibits us from doing so. Rest assured that the bureau is doing its best to address this pandemic,” ani pa ng BuCor.


Kaugnay naman ng balitang ito, ipinapatawag umano ni Justice Secretary Menardo Guevarra si BuCor Director General Gerald Batag upang ilahad sa kanya ang tungkol sa naturang balita ng pagpanaw ni Jaybee at maging ang pagpanaw na rin ng iba pa umanong mga high-profile inmate sa Bilibid.

Source: gmanetwork

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment