Friday, September 11, 2020

Lalaki, Umaakyat lagi sa Bakod ng isang Ospital upang Umupo sa labas ng Bintana; Alamin kung bakit!



Naantig ang puso ng mga netizen sa viral na pangyayaring ito sa pagitan ng isang lalaki at kanyang nanay.

Kamakailan lang ay naging trending sa social media ang kwentong ito ng isang Palestinian at kanyang nanay na sa kasamaang palad ay nagpositibo sa COVID-19.

Dahil sa pagiging positibo ng nanay nito sa naturang sakit, kinailangan nitong manatili sa ospital upang magamot at gumaling. Ngunit, habang hindi pa nito nalalagpasan ang COVID-19, bawal itong makita at makasama ng kanyang pamilya sa ospital.

Dahil sa kalagayang ito ng kanyang mahal na nanay, mas lumakas pa ang kagustuhan ng lalaking ito na makita at makasama ang kanyang nanay habang nakikipaglaban ito sa nakamamatay na COVID-19.

Kaya naman, para lamang makita at mabantayan ito kahit papaano, gumawa ng paraan ang naturang lalaki upang mahanap ang kwarto kung saan nanatili ang kanyang nanay.



Dito, araw-araw na inaakyat ng naturang lalaki ang ikawalong palapag ng ospital kung nasaan ang kanyang nanay. Araw-araw itong nananatili sa bintana ng kwarto ng kanyang nanay upang masilayan niya ito at mabantayan.

Alam ng naturang lalaki na kahit masakit, malaki ang posibilidad na hindi kayanin ng kanyang nanay ang pakikipaglaban sa COVID-19 at kapag nangyari ito, hindi na sila mabibigyan pa ng pagkakataon na makita at makapagpaalam dito sa huling pagkakataon.


Kaya naman, sa araw-araw na pag-akyat nito sa bintana ng ospital para makita ang kanyang ina, mababakas ang pag-aalala at lungkot sa mukha nito. Naging viral pa nga ang larawan nito na nakunan habang ito ay nakaupo sa bintana ng naturang ospital.

Ngunit, sa kasamaang palad ay dumating ang araw na siyang pinakakinakatakutan ng lalaki at ng pamilya nito. Habang nasa kanilang bahay ay nakatanggap na lamang umano sila ng balita na hindi na kinaya ng kanilang ina ang pakikipaglaban sa COVID-19 at ito’y pumanaw na.


Masakit man, kinailangan na tanggapin ng lalaki ang balita. Saad pa nito, sana raw ay mas tinagalan niya pa ang huling araw na binisita niya ang kanyang nanay sa ospital.

Sa social media, ikinalungkot ng marami ang pangyayaring ito sa naturang lalaki. Ngunit, kahit paano ay bumilib at naantig umano ang mga ito sa determinasyon at pagmamahal na ipinakita ng lalaki sa kanyang nanay.

Heto pa ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen tungkol dito:

“What a wonderful son. Brought tears to my eyes and a lump to my throat at such love and caring.”

“Can this become any more sad when we are only able to comfort our loved ones through a window, phone or tablet? Then I am also so thankful that we can even do that. She saw her son’s face one last time - I pray she is in peace now.”


“What a devotion. It’s so sad that people with COVID have to die without loved ones with them.”

“That is a very sweet story. Reminds us that there is goodness and love in the world.”


“I WOULD TOO.  This is heartbreaking, so close and so far. This hits me. Moms dying alone- as givers of life and unconditional love it isn’t fair.”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment